May 08 2009

bubbajasmahal

Saan napunta ang usapang Swine Flu?

Filed under Uncategorized

“Ate,” ang pagbukas ng hello naming magkapatid sa telepono.

“May lagnat ako at inuubo,” ang mahina nyang sabi.

“Aba may swine flu ka ga?” ang sagot ko naman. “Wag ka kasing kain ng kain ng kaning baboy!”

(Hahahaha. Joke lang Sid, baka di mo na ako tawagan.)

Usong uso ang swine flu swine flu ano po? Talagang nanginginig na ang mga opisyales ng gubyerno para sa panic na dinadala ng sakit na ito. Pati naman si Pacman na galing ‘Tate, talagang i qua-quarantine pa.

Tag-ubo ho ngayon, ingat lang kayo sa kahol. Tag-ulan, wag po tayong mag-pabasa. Sabi nga ni Rosa Rosal, kapag nabasa ng ulan, i-adjust raw po ang elektrisidad ng ating katawan (isama na ang elektrisidad ng utak ng manunulat na ito ) sa pamamagitan ng tuluyang paliligo pagkatapos maulanan.

Wag po ninyong pabayaan ang inyong kalusugan, kaya limutan muna ang diet at kumain ng ilang bandehadong Arroz sa paa ng manok. Ay sarap!

Tsk Tsk Tsk, kahit ho dito sa amin ay maulan pa rin. Kaya tuloy di ako maka-pagsampay ng nilabhan. Kahit nga ho kasasampay ko pa lang kailangan nang hanguin kaagad dahil umaambon na. Sayang naman ang fabric softener na ibinudbod sa mga damit bago banlawan.

Tuloy hindi rin ako makapag-araro ng aming palayan este maliit na taniman. Maliit lang ho talaga iyon, mga tatlong dangkal at limang yapak. Kasya na rito ang ilang mais, sibuyas, kamatis, kang-kong at kamote. Kulang na lang kumanta ako ng Bahay Kubo sabay sa bagong rendition ni Martin Nieverra sa Lupang Hinirang. Baka tuloy pareho kaming mapa-tawag sa kongreso para ipaliwanag kung bakit paos at sintunado ang boses (ako, lamang. Dahil garalgal lang ang problema ni Martin).

O ayan ho, di ko na hahabaan, baka mag-lalaba pa kayo dyan, magpapatingin sa duktor (dalhin yang mga HMO card para libre), makikipag-chat sa strangers in the dark (ingat sa serial chatter!) at makikinig pa ng mga bagong podcast ng podcast/radyo ng bayan wannabee na ito: http://chocolateword.net tingnan sa  ilalim ng podcast.

Hafa Adai!

Mahalia

No responses yet

Apr 29 2009

bubbajasmahal

Upaw na Buhok

Filed under Uncategorized

Spring nanaman po, tag-bunga dito sa Amerika. Sumisibol na ang mga tulips dito sa gilid ng aming bahay at tumataginting na berde na ang mga halaman at carabao grass. Kanina po ay may isang kababalaghan ang nangyari rito sa aming kabahayan. Ganito po kasi iyon, nag-huhugas ako ng pinggan at plato nang marinig ko yung aking isang taong gulang na anak na tumatawag sa akin. “Mama, Mama” ang sabi niya. Dahil Mama lang ang alam kong alam niyang sabihin, hindi ko po ininda yung pagtawag niya dahil wala naman akong narinig na distress sa boses niya. Tuloy naman akong mag-hugas ng pinggan. Nang matapos akong maghugas at magwalis. Agad ko namang kinuha yung vaccum cleaner at isinaksak ko na sa kuryente. Sisimulan ko sanang magpa-ugong ng vaccum kaya lang may nakita akong isang umbok na buhok sa sulok ng sofa. Napakunot tuloy ako. Hinawakan ko yung buhok ko sa ulo at nagtakang baka ako baga ay nanlulugon na ang buhok. “Mama, Mama” ang sabi ng bunso ko na naka-upo sa tabi ng buhok. Sa aking malaking pagkagulat, ay pina-parlor na pala nang pangalawa kong anak ang kanyang kapatid. Sa kamay ni Cassie ay isang maliit na gunting at ginugupitan na ang tuktok ni Cinta. Ay nay ko po! Halos himatayin talaga ako sa alta-presyon.

Kinapa kapa ko tuloy ang buhoy ng bunso ko at ubod po ng panot ang kinaabutan niya. Bakit?

Bakit?

Bakit?

Bukas pa naman ang kanilang annual photo session. Patay, paano ko na ngayon i tatago ang napapanod na buhok ni Cinta. So, ayon po, nagkuha ako ng headband. Hindi tumalab. Kita pa rin yung puting dako na sinayad ng gunting. Kumuha ako ng rubberband, hindi tumali. Wala na po kasing matalian. Gagawa sana ako ng bandana. Kaya lang naiinis na ang bata sa kakukutkot ko ng kanyang buhok.

Hindi ko malaman kung matatawa ako o magagalit. Basta pinaghalo-halo na ang nararamdaman ko. Naka-isip pa nga akong gupitin ang ilang hibla ng kinkee kong bihok at i-gel sa ulo ng baby. Pero para yatang mahahalata iyon.

Anong gagawin ko Inay?

May kasunod pa sa Podcasts ng Chocolateword.

Sundan po ang kwento nito sa http://chocolateword.net under po ng podcast category.

No responses yet

Apr 24 2009

bubbajasmahal

Confessions of a Frustrated Dieter

Filed under Uncategorized

Magandang umaga po. Ito po si Mahalia ng Chocolateword.net. May nagpadedicate po ng kanta kahapon dito sa ating bagong talk show. Ay pakinggan po natin.

Click po ninyo rito: Chocolateword at hanapin ang mga post na nasa ilalim ng podcast.

Ay ang hirap pong mag-diet ano? Talagang super mind control ang kailangan. Lalo na at ang sarap kumain. Kahit nga po kamatis at kanin lang basta ang sarap kumain talagang ang hirap mag-control.

O sige po i enjoy nyo ang bagong talk show po natin mula sa mga podcast sa chocolateword.net.

Hafa adai!

No responses yet

Mar 10 2009

bubbajasmahal

Samu’t Sari

Filed under Uncategorized

May plano ka bang mag monetize ng iyong blog? Bumisita sa http://bloggityblogs.com

May plano ka bang i pa baby sit ang iyong mahal na Aso? I click ang http://chocolateword.net

Mag iwan ng bakas mula sa inyong mga kumento.

Salamat po.

No responses yet

Feb 01 2009

bubbajasmahal

Ang Hirap ng Buhay sa Amerika!

Filed under Uncategorized

Ang Hirap ng buhay ano? Maglibang muna sa mga imbentong dyoks natin jan sa 15 Ways to Tell if Recession is Hard. Kitakits ko kayo doon.

One response so far

« Newer Posts - Older Posts »