“Ate,” ang pagbukas ng hello naming magkapatid sa telepono.
“May lagnat ako at inuubo,” ang mahina nyang sabi.
“Aba may swine flu ka ga?” ang sagot ko naman. “Wag ka kasing kain ng kain ng kaning baboy!”
(Hahahaha. Joke lang Sid, baka di mo na ako tawagan.)
Usong uso ang swine flu swine flu ano po? Talagang nanginginig na ang mga opisyales ng gubyerno para sa panic na dinadala ng sakit na ito. Pati naman si Pacman na galing ‘Tate, talagang i qua-quarantine pa.
Tag-ubo ho ngayon, ingat lang kayo sa kahol. Tag-ulan, wag po tayong mag-pabasa. Sabi nga ni Rosa Rosal, kapag nabasa ng ulan, i-adjust raw po ang elektrisidad ng ating katawan (isama na ang elektrisidad ng utak ng manunulat na ito ) sa pamamagitan ng tuluyang paliligo pagkatapos maulanan.
Wag po ninyong pabayaan ang inyong kalusugan, kaya limutan muna ang diet at kumain ng ilang bandehadong Arroz sa paa ng manok. Ay sarap!
Tsk Tsk Tsk, kahit ho dito sa amin ay maulan pa rin. Kaya tuloy di ako maka-pagsampay ng nilabhan. Kahit nga ho kasasampay ko pa lang kailangan nang hanguin kaagad dahil umaambon na. Sayang naman ang fabric softener na ibinudbod sa mga damit bago banlawan.
Tuloy hindi rin ako makapag-araro ng aming palayan este maliit na taniman. Maliit lang ho talaga iyon, mga tatlong dangkal at limang yapak. Kasya na rito ang ilang mais, sibuyas, kamatis, kang-kong at kamote. Kulang na lang kumanta ako ng Bahay Kubo sabay sa bagong rendition ni Martin Nieverra sa Lupang Hinirang. Baka tuloy pareho kaming mapa-tawag sa kongreso para ipaliwanag kung bakit paos at sintunado ang boses (ako, lamang. Dahil garalgal lang ang problema ni Martin).
O ayan ho, di ko na hahabaan, baka mag-lalaba pa kayo dyan, magpapatingin sa duktor (dalhin yang mga HMO card para libre), makikipag-chat sa strangers in the dark (ingat sa serial chatter!) at makikinig pa ng mga bagong podcast ng podcast/radyo ng bayan wannabee na ito: http://chocolateword.net tingnan sa ilalim ng podcast.
Hafa Adai!
Mahalia