Apr 29 2009
Upaw na Buhok
Spring nanaman po, tag-bunga dito sa Amerika. Sumisibol na ang mga tulips dito sa gilid ng aming bahay at tumataginting na berde na ang mga halaman at carabao grass. Kanina po ay may isang kababalaghan ang nangyari rito sa aming kabahayan. Ganito po kasi iyon, nag-huhugas ako ng pinggan at plato nang marinig ko yung aking isang taong gulang na anak na tumatawag sa akin. “Mama, Mama” ang sabi niya. Dahil Mama lang ang alam kong alam niyang sabihin, hindi ko po ininda yung pagtawag niya dahil wala naman akong narinig na distress sa boses niya. Tuloy naman akong mag-hugas ng pinggan. Nang matapos akong maghugas at magwalis. Agad ko namang kinuha yung vaccum cleaner at isinaksak ko na sa kuryente. Sisimulan ko sanang magpa-ugong ng vaccum kaya lang may nakita akong isang umbok na buhok sa sulok ng sofa. Napakunot tuloy ako. Hinawakan ko yung buhok ko sa ulo at nagtakang baka ako baga ay nanlulugon na ang buhok. “Mama, Mama” ang sabi ng bunso ko na naka-upo sa tabi ng buhok. Sa aking malaking pagkagulat, ay pina-parlor na pala nang pangalawa kong anak ang kanyang kapatid. Sa kamay ni Cassie ay isang maliit na gunting at ginugupitan na ang tuktok ni Cinta. Ay nay ko po! Halos himatayin talaga ako sa alta-presyon.
Kinapa kapa ko tuloy ang buhoy ng bunso ko at ubod po ng panot ang kinaabutan niya. Bakit?
Bakit?
Bakit?
Bukas pa naman ang kanilang annual photo session. Patay, paano ko na ngayon i tatago ang napapanod na buhok ni Cinta. So, ayon po, nagkuha ako ng headband. Hindi tumalab. Kita pa rin yung puting dako na sinayad ng gunting. Kumuha ako ng rubberband, hindi tumali. Wala na po kasing matalian. Gagawa sana ako ng bandana. Kaya lang naiinis na ang bata sa kakukutkot ko ng kanyang buhok.
Hindi ko malaman kung matatawa ako o magagalit. Basta pinaghalo-halo na ang nararamdaman ko. Naka-isip pa nga akong gupitin ang ilang hibla ng kinkee kong bihok at i-gel sa ulo ng baby. Pero para yatang mahahalata iyon.
Anong gagawin ko Inay?
May kasunod pa sa Podcasts ng Chocolateword.
Sundan po ang kwento nito sa http://chocolateword.net under po ng podcast category.



