Nov 18 2008
Sa da End
Sa wakas, nakipagbalikan na ang aking Friendslist sa inyong mga Friendslists. Akala ko tuloy ay tuluyan na silang maghihiwalay at forever nang diborsyano gaya ni kuya Pip at ate Guy. Ano na ba ang mga bagong balita sa inyo. Tila ba naman ay napakatahimik ng comment section dito kundi lang sa pambubulahaw ng ilang mga blogspam ay tuluyan na akong mababaliw. Pero alam ko naman pong may nagtyatyaga paring basahin ang mangilanngilang post na inilalagay ko rito. Kahit na ito ay isang malaking basura lamang sa inyong mahalagang mga oras.
Bueno, eto ang aking latest na mga katanungan na nagmumula pa sa ataul ng ninuno ko sa tuhod. Alin bang pampaputi ang ginamit nyo noong panahon ng Hapon? Aminin! Wag ikaila na gaya nyo rin akong force ang beauty na pumuthe. Ay sus ginoo, wag na kayong mahiya, pareho naman tayo day. Wag kayong maging others.
O ayan na ang mga pagpipilian,
- Pond’s whitening cream. Nasa pink na pakete na pwede nating bilhin sa kapitbahay na tindahan. Kahit nga ilista na lang muna (utang) para lang di umabsent ang crema de fruta na para sa ating mga bakukang. At hanggang kailan ko ba pipigain ang paketeng halos mapahi na ang mga sulat sa labas dahil sa kapipiga?
- Papaya. Ay inang, hindi yung nasa puno ng papaya, yung matingkad na orange na sabon na kapag natapos ko nang banlawan sa aking mukha ay parang napainstant face lift na ako dahil natuyot na ang balat ko at na stretch na nang husay.
- Perla. Bautista. Ay ano ba yan. Mali mali na. Sino ba naman ang hindi makakalimot sa mga ilang, “sensitib kasi ang mukha ko kaya Perla lang ang pwede rito.” Kapag ikinuskos ay talaga namang pagkakapal kapal ng bula sa mukha at kapag binanlawan ko ng tubig ay namumuo na ang mga libag sa lababo na nakuskos mula sa ating mga mukha.
May idadagdag ka ano? Amenen. Wag mong itago yan, baka atakihin ka sa atay.
to be continued…



