Nov 17 2008
I Can Now sleep at Night
Pagkatapos ng malaking pagkabagabag ko sa pagkawala ng ilang Friends dito sa Friendstersphere, muli na itong nagbalik pagkatapos ng ilang araw na maintenance sa network. Mabuti na lang. Sayang rin ang mga pinaghirapan natin ano? Maliban doon, ito lang ang paraan ko para maka-contact sa aking mga kaibigan. Dapat kasi hinihingi ko na at ni rerecord sa papel ang mga email address ninyong lahat–katok sa ulo!
Siguro nga ay social networking obssessed na ako–ilang S ba ang pwedeng ilagay sa word na yan. Kasi naman kamo, pwede ka nang makipagkaibigan in the comfort of your pajamas kahit na tatlong araw ko nang itong pink Pajamas ko.
Noong una, MIRC. Pagkatapos, group sending sa email. Pagkatapos, YM. Kakaunti pa ang may YM noong panahon ni Mahoma. Mayron ding webchat na doon ko pa kinarir ang aking asawang mahal. Mayron din Chikka text, swabe sa libreng text yan, lalo nat napakamahal ng international phone call. At kung ano ano pa. Noong nadiskubre ko ang FriedSter, nagbukas din ako ng MySFace, pero dalawa kaibigan lang ng limang taon kong bukas na Myspace, kaya onward goes the Friendster. Andito kasi lahat ng mga mahal kong kaibigan, mga kinukulit kong kaaway at mga lilingid lingid na ex.
Kamakailan ko lang na-diskubre ang Facebook. Maganda sya, as in. Hahaha, salitang konyotics yan ah. Puro Kanology naman ang mga kaibigan ko roon. Minsan kasing na-iannounce sa aming simbahan na may samahan raw kami sa Facial Spa na yan, kaya go go go naman akong makisawsaw din. Kaya search nyo lang ako doon kung may Eskinol Facial Book din kayo.
O paano mga kaibigan, sleep muna ang beauty ko, check out nyo muna ang mga kalokohan natin sa http://chocolateword.net. Hanggang sa bukas. Sigurado yan!



