Nov 29 2008
Un-Blind Item: Basahin Kung ikaw ba Ito
Aba at nakakamiss pala ang magsulat. Kaya eto na naman po ang inyong lingkod nagsusulat ng kung ano anong pwede ninyong gamitin sa kalokohan, o kung may matutunan kayo ay gamitin na rin sa katinuan. Nag-hahanap ako ng maiisulat para sa aking blog sa http://chocolateword.net. Kung napadaan kayo noong isang linggo makikita ninyong puro numero na ang nakalagay roon. Pwede nyo nang i refresh ang browser ninyo at lalabas na ang lucky number ng susunod na panalo sa lotto o kaya naman itaya nyo na rin sa Jueteng. Kung wala talagang panalo ay sa tong its na lang.
Babala lamang po na ang mga panukala sa mga babasahing ito ay di dapat seryosohin.
OkeDok magbalik tayo sa mga usapang Friendster. Nagdagdagan na naman ang aking friendslist ng isang nakakilala ko sa pag blog blog na ito. Agad ko siyang iniadd dahil may bayad na sa susunod na linggo ang pag-aadd sa kanya. Sa dami ng kanyang mga fans, baka kako ay may entrance fee na bago ko pa lang makita ang isang hibla ng kanyang sotana. Ay napakabait nang taong ito. Walang mahirap, mayaman, mapayat at ako–mataba syang sini-sino. Sino ba siya? Tingnan nyo po ang pinakabago kong dagdag sa friends. Sa December 8 ang bagong launching ng career nya dito sa blogosphere. Siguradong Platinum album ang OPM niya.
Mga anunsyo muna mga kasama:
Dahil mahilig talaga akong maki-usyoso sa mga larawan ninyo at mga updates sa aking My Connections-Friends eto po ang mga napansin ko sa mga nakaraang araw.
1. Carissa–kamukhang kamukha mo ang iyong bulilit. Sigurado akong magiging intelehente rin siya kapag lumaki na siya. Carissa, natatandaan mo ba nung mag-first communion play tayo? Ikaw si Mary at ako si Elizabeth? Grade Wan ata tayo noon. At lagi tayong nauutusan ni Mrs. Pabellano na mag-dala ng sandwich kay Imee. Tama ba ang pangalan ni Imee?
2. Kadaragdag ko lang ng ever beautiful na si Hazel B. sa aking friends list. Kaya mga taga-sacre diyan na may secret crush noon kay Hazel, narito siya sa aking Friendslist. Hazel, kumusta ka na? Mayron tayong YahooGroup para sa Neons. Check mo lang ang isa sa dalawa kong sinalihang grupo dito sa Friendster.
3. Kuya Roman–Talaga namang pinagpala ang mga konsyerto na ginanap kamakailan. Sana ay nakapunta ako at nakilahok. Sa susunod na uwi ko ay titiyakin kong may event kayo para naman maki-attend rin ako diyan. Sana ay higit kang pagpalain sa iyong mga gawain para sa Panginoon. Lagi rin akong nakikidalaw sa iyong mga sulatin sa iyong blog.
4. Kenneth R. B. Aba ay ikaw ba yan? Pang model na ang dating natin sa iyong profile pictures ah. Pwede na yan sa Hugo Boss na Tarpulin sa kahabaan ng Edsa.
5. Dennis A. May email ako sa iyo. Natanggap mo na ba?
6. Gerlon, kasama ba sa training manual ng Philhealth ang ilang oras sa shooting range? Insurance policy ba yan laban sa mga magnanakaw?
7. Congratulations Joy, ngayon ko lang nalaman na expecting ka na pala. Kailan ka due? You are beautiful and glowing in your pics. God bless on the Day!
8. Kumusta ang panganganak Dangster? email mo ako dito sa Friendster dahil gusto kitang kumustahin at maki-usyoso sa mga mga bagong balita sa inyong bagong pamilya.
9. At ate Sally, ano ang iniinom mong gamot? Makabili pala dahil walang bahid ng pagtanda ang mga pictures mo. Ang ganda pa rin ng buhok at ng ngiti mo. Ano ba ang sikreto mo para mai-blog ko naman.
10. Sonia, mabuti na lang pinaunlakan mo ang aking pag imbita ng pag add ng friendster noong unang panahon, ngayon ay sikat na sikat ka nang modelo kaya pa awtograp naman diyan. Binisita ko ang model page ng kumpanya ninyo at ikaw ang by far the prettiest. Kaya palibre naman diyan ng sagolites pag nagkita ulit tayo sa Sariaya, iyon ay kung makakalampas ako sa sandamukal na mga body guards at entourage mo.
Sampu pa lang po ang ating Friends’ Highlight of the Day. Wag magtampo kung di ko nailagay ang inyong pangalan. Siguradong may notasyon ang inyong mga profiles dito sa maliit po nating blog. Hindi dahil may naunang sampu ay iyon ang aking preference. Random at yung nakuha ng aking short attention span ang mga naisulat ko. Hala kayo, ikaw na ang susunod. Abangan ang susunod na kabanata.



